Camarines sur, nagtala ng pinakamataas na inflation sa Bicol nitong Mayo 2023

CAMARINES SUR- 7.2% ang inflation rate sa Camarines Sur nitong Mayo 2023, pinakamataas ito sa mga probinsya sa Bicol Region base sa record ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Bicol.

Sa tala ng PSA Camarines Sur mas mababa ito noong Abril na may 8.0% pero higit mas mataas kumpara noong Mayo 2022 na 4.7% lamang.

Rate index sa renta sa bahay, singil sa tubig at kuryente pati petrolyo ang nag-ambang ng malaki upang bumaba ang inflation.

Para kay Julie Avila residente ng Bombon , mula P4, 200 dati P2, 500 na  lamang ang binayaran  nila sa kuryente. Bumaba kase ang singil ng CASURECO II sa P11.00 KWH mula sa mahigit P17.00 pero hindi aniya nila gaano ramdam sa mga pangunahing bilihin kaya malaking tulong na rin ito upang ang ibabayad sana sa kuryente ay maidagdag na budget sa araw-araw na gastusin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *