Canada, pinaplanong bawasan ang temporary residents

Plano ng Canada na bawasan ang mga pansamantalang residente nito at magtakda ng limitasyon sa pansamantalang imigrasyon sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon kay Immigration Minister Marc Miller, ito ang pinakabagong pagsisikap ng gobyerno na tugunan ang kakulangan sa housing at pinahabang essential services.

Batay sa tala ng gobyerno, patuloy na tumataas ang bilang ng mga international students, foreign workers at temporary residents na pumupunta sa Canada.

Layunin kasi ng gobyerno ni Prime Minister Justin Trudeau na umusbong ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng immigration policies.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *