Candelaria wagi sa Regional MMK, 2-Million pesos kabilang sa premyo

Iniuwi ng Candelaria, Zambales ang cheque na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso at plaque of recognition mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ito ay matapos na magwagi sa Regional Malinis at Masaganang Karagatan Search for Outstanding Coastal Community o MMK.

Layon ng MMK na kilalanin ang mga inisyatibo at kontribusyon ng mga coastal communities para mapanatili ang maayos na fishery management.

Samantala, personal na tinanggap ni Mayor Byron Jones Edquilang ang parangal mula sa BFAR sa pamamagitan ni RD Wilfredo Cruz.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: BFAR Central Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *