Canoreco nagpaliwanag kung bakit mas mataas ang singil nito sa kuryente kaysa sa Meralco

CAMARINES NORTE- Nagpaliwanag ang Camarines Norte Electric Cooperative kung bakit mas mataas ang singil nito sa kuryente  sa pagharap ng pamunuan nito at ilang Board of Director sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Biyernes, October 14.

Dahil kasi sa mataas na bayarin ngayon sa kuryente hindi mapigilan ng mga kunsumidores na ikumpara ang Canoreco maging sa Manila Electric Company o Meralco.

Ayon sa isa sa mga Board of Director na si Benny Elevado, tinatayang nasa P10 ang singil ng Meralco per kwh habang P16 ang sa Canoreco.

Pero kung titingnan umano ang billing statement ng Meralco, marami ang pinapa- refund sa kanila ng ERC kaya kung kukwentahin ay halos aabot din ng P12 ang singil nito sa kuryente per kwh.

“Tinitingnan ko po yung latest nila is approximately malapit po sila sa P10 yung rate nila per kwh po,” ani Elevado

“Pero nung tinitingnan ko po yung billing statement nila napansin ko na  yung marami pa lang pinapa refund ang ERC sa Meralco, so ibig sabihin pag- refund kabawasan po dun yun sa rate, so tinitingnan ko po yung rate nila, apat na refund ang pinapagawa sa kanila at at nagtototal po yun ng P1. 8 per kwh ibig sabihin dun sa rate kung aalisin niyo, kung dadagdag yun dun sa ano sa bill without the ano, the refund, aabot pi ito ng almost ano rin P12.”

Dagdag pa ni Elevado na lumaki man o lumiit ang bayarin sa kuryente naka- fix umano sa Php 1.61 per kwh ang kinokolekta ng Canoreco sa mga consumer.

Tanging ang Php 1.61 per kwh lamang na Distribution, Supply & Metering Charges (DSM) ang napupunta sa kooperatiba upang gamitin sa mga gastusin para sa operasyon ng CANORECO.

Simula taong 2012 hanggang sa ngayon ay hindi umano ito nagbabago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *