Canoreco patuloy sa pagtanggap ng aplikasyon para sa Lifeline Rate Discount sa mga benepisyaryo ng 4P’s

CAMARINES NORTE – Patuloy ang pagtanggap ng Camarines Norte Electric Cooperative ng aplikasyon para sa Lifeline Rate Discount sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s.

Ayon sa naturang kooperatiba ng kuryente tuloy-tuloy ang kanilang information dissemination maging sa mga malalayong barangay kung paano ito maa-avail kasabay ng pagtanggap ng mga aplikasyon.

Batay sa Implementing Rules and Regulation ng Republic Act 11552 at ayon na rin sa itinakda ng Energy Regulatory Commission na consumption threshold para sa Canoreco, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay maaaring mabigyan ng subsidiya sa kuryente kung sila ay kumukunsomo ng hindi lalagpas sa 20kwh kada buwan.

Sa datos ng Department of Energy mayroong 4. 2 milyon household beneficiaries ang 4P’s sa buong bansa pero nanatiling mababa ang registration para sa lifeline subsidy.

Sa mga nagnanais mag- apply ay magdala lang ng xerox copy ng valid government-issued ID at isama na rin ang 4Ps ID, xerox copy ng pinakabagong binayarang electric bill at sagutan ang ibibigay na application form sa pagpunta sa pinakamalapit na Canoreco Area Office. May dagdag na requirement lang na Barangay Certificate of Residency kung sakaling sa asawa o kinakasama, anak, apo, magulang o lolo/lola na kasama  sa bahay nakapangalan ang ginagamit na kuntador sa inyong tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *