“Can’t Buy Me Love” ng DonBelle, tatalakay sa Gen Z love   

Nama-‘mine’ nga ba ang pag-ibig?

Yan ang tanong na sasagutin ng New Gen Phenomenal Love Team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle) sa kanilang pinakaunang teleserye na “Can’t Buy Me Love” na mapapanood simula Oktubre 13.

Sa ginanap na media conference, excited na ibinahagi ng DonBelle na kakaibang teleserye na tumatalakay sa iba’t-ibang genre ang mapapanood ng kanilang mga fans.

Iikot ang istorya kina Bingo (Donny), isang binatang nagsisikap na mag-ipon ng pera matapos iwanan ng kanyang ina, at Caroline (Belle), isang laki sa yaman na Filipino Chinese na itinuturing na black sheep ng kanyang pamilya.

Magtatagpo ang landas ng dalawa matapos na sagipin ni Bingo si Caroline mula sa kamay ng mga kidnappers.

Ayon sa DonBelle, first time para sa kanila ang mga gagampanang papel sa teleserye.

“First time kong gaganap ng mayaman na role” biro ng aktres na aminadong laging nasa mahirap o ordinary girl role.

“Totoo, ako rin. First time ko na hindi mayaman naman masyado..yong role na gagampanan ko”, tugon naman ni Donny.

Dagdag pa ng loveteam, maraming bagong kilig at kaganapang hindi pa nakita noon ng mga fans ang mapapanood sa kanilang bagong proyekto.

Mas kikinang ang chemistry ng Gen Z loveteam sa direksyon ni Direk Mae Cruz Alviar, ang direktor ng hit series na “2 Good 2 Be True”.

Samantala, makakasama ng DonBelle ang mga beteranong aktor sa pangunguna ng nagbabalik ABS-CBN na si Nova Villa; Celeste Legaspi, Agot Isidro, Rowell Santiago, at Ruffa Gutierrez.

Kasama rin sa bigating casts sina Maris Racal, Albie Casiño, Kaila Estrada, Joao Constancia, Karina Bautista, Vivoree, at Darren Espanto.

Magdadagdag naman ng light touch sa series ang mga komedyanteng sina Hyubs Azarcon, Alora Sasam at Ketchup Eusebio.

Unang mapapanood ang teleserye sa Netflix at iWantTFC ilang araw bago ito ipapalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 sa Oktubre 16. 

Ito na ang ikalawang teleserye ng partnership ng ABS-CBN at Netflix. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *