Catriona Gray at Sam Milby, iniintriga na rin kung tuloy pa ba ang kasal

Usap-usapan ngayon ang mga ikakasal na personalidad dahil sa mga sunod-sunod na hiwalayan na sa industriya.

Kaya naman pati sina Catriona Gray at Sam Milby ay mahigpit na ring binabantayan ng mga netizens.

Napansin kasi nilang hindi na masyadong sinusuot ni Cat ang engagement ring niya sa mga luma nitong post.

Napatanong tuloy ang mga tao sa social media at sinabing “Tuloy pa ba ang kasal?”

Hindi man sinagot ng dalawa ang kontrobersyal na ito, nag-post si Catriona kasama niya ang mga alagang aso at makikitang na naka-tag si Sam, dahil mga ‘baby’ nga nila ang mga aso na `yon.

Suot-suot na rin Cat ang singsing na ito.

Siguro naman, abswelto na ang dalawa sa mga alegasyong “hiwalayan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *