CBCP umapelang payagan ang pamilya ng mga namatay sa COVID na dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay

Nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na payagan ng mga local government officials ang mga pamilya na dalawin sa kanilang puntod ang mga namatay sa COVID-19 ngayong Undas.

Sinabi ni David na sana ay bigyan ng compassion ang mga pamilyang namatayan sa pagitan ng 2020 at ngayong 2021 lalo pa at hindi pa talaga nabibigyan ng mas mahabang panahon na magluksa ang mga ito.

Suhestiyon ni David, dapat lang na magpakita ng death certificate ng mga namayapang kamag-anak ang mga pamilya bilang kanilang pass na makapasok sa mga sementeryo.

Matatandaan na inanunsyo ng mga kinauukulang ahensiya na isasara ang mga sementeryo mula October 29 hanggang November 2 sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19 upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga libingan.

Una nang inanunsyo ng CBCP ang muling pagbubukas ng kanilang Undas Online website para mabigyan ng pagkakataon ang mga namatayang pamilya ng padasal para sa kanilang mahal sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *