DENR tuluyan nang ipinagbawal ang mga bata na makapasok sa Dolomite beach

Tuluyan nang ipinagbawal ng Department of Environment and Natural Resources ang dose anyos pababa na pumunta sa Dolomite beach sa Manila Bay.

Ito ay matapos mapuna ng mga kritiko dahil sa pagdagsa ng mga tao kasama ang mga bata.

Sa isang tweet, sinabi ng DENR na epektibo ang kautusan ngayong araw.

Maliban dito inanunsiyo din ng ahensiya na isasara ang naturang pasyalan mula October 29 hanggang November 3 bilang paggunita sa Undas.

Noong Linggo sinabi ng Manila Police District na tinatayang nasa 65,000 na mga local tourist ang bumisita Manila Bay para lamang masilayan at makapag-selfie sa artificial beach.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *