CBMS data mula sa PSA natanggap na ng LGU Mercedes

Natanggap na ng Lokal na Pamahalang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang mga datos na nakalap sa ginawang Community-Based Monitoring System (CBMS) 2022 na mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang turn over ay pinangunahan nina PSA Regional Director Engr. Cynthia L. Perdiz, Chief Specialist Regional Office, Danilo LuceƱa at Camarines Norte Chief  Statistical Specialist, Maria Dulce Padayao.

Tinanggap naman ito ni Mayor Alexander Pajarillo na nagpasalamat sa PSA at sa mga enumerator nito na matiyagang nagbahay-bahay para lang makakuha ng mahahalagang datos.

Sa mga LGU funded CBMS, ang Mercedes ang kauna-unahang munisipyo na nakapagsagawa ng CBMS Data turn-over sa buong lalawigan at rehiyong Bicol.

Ang CBMS ay isang diagnostic tool para i-assess ang poverty level sa Barangay, Municipal, City, At Provincial Level.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *