Coastal Security Patrol paiigtingin ng Philippine Coast Guard ngayong pumasok na ang panahon ng amihan

CAMARINES NORTE – Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda ngayong pumasok na ang amihan season kung saan mas malalakas na alon ang inaasahan sa karagatan.

Kapag ganito ring panahon ay napapadadalas ang mga bagyo at sama ng panahon na nararanasan partikular dito sa Camarines Norte.

Ayon kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Information Officer ng Camarines Norte Coast Guard Station, mas paiigtingin nila ngayon ang coastal security patrol para magbigay ng babala sa mga mangingisda.

Noong nakaraang taon ay maraming maritime incident ang naganap sa panahon ng amihan at may mga nagbuwis pa ng buhay.

Kadalasan sa mga biktima ay ang mga maliliit na mangingisda.

Samantala, nag abiso naman ang Pagasa na asahan na mas lalamig pa ang panahon sa mga susunod na buwan. Ang peak umano ng amihan ay sa buwan ng Enero at Pebrero ng sususnod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *