CCTV dapat gumagana, hindi ‘yung display lang-BPLO

Pinatitiyak ng Business Permit and Licensing Office sa Puerto Princesa sa mga establisyemento na gumagana ang mga inilagay na CCTV camera.

Ayon kay BPLO Head Thess Vicente Rodriguez, ang mga CCTV ay kinakailangang palaging gumagana at hindi dapat gawing display lang.

Mayroon aniyang mga opisina na nag-momonitor sa mga establisyemento kung compliance o nakakasunod ang mga may-ari nito.

Sa oras na malaman na hindi compliance ang mga may-ari ay mayroon itong parusa na pwedeng maka-apekto sa pag-renew ng kanilang business permit.

Ang pahayag na ito ni Rodriguez ay bunsod ng pag-amin ng Robinson’s Place Palawan na ang ilan nilang CCTV camera ay hindi gumagana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *