CCTV footage ng pamamaril ng Russian soldier sa 2 sibilyan sa Ukraine, kinondina

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang CCTV footage na nagpakita ng pagpatay ng ilang Russian soldiers sa dalawang sibilyan sa Ukraine.

Base sa lumabas na video, pinasok ng ilang sundalong Russian ang establisyemento kung saan binaril sa likod ang guwardiya saka isinunod ang boss nito.

Nasubukan pang makahingi ng saklolo ng boss pero pinatay pa rin ito ng mga suspect. Matapos ang pamamaril, sinira ng mga sundalong Russian ang cctv camera sa opisina saka ito pinagnakawan.

Napag-alaman na bago tuluyang mamatay ang guwardiya na si Leonid Pliats ay nakatawag pa ito sa ilan niyang kakilala kung saan sinubukan silang iligtas pero hindi din nagtagumpay.

Kita naman sa footage na dumating sa lugar ang mga Russian soldier gamit ang isang nakaw umanong van kung saan hinarap pa sila ni Pliats nang nakataas ang kamay na patunay na hindi ito armado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *