Cebu Governor Gwen Garcia, pinalagan ang planong pag-aresto sa mga mask violators sa Lalawigan

Nanindigan si Cebu Governor Gwen Garcia na mananatili ang order nito na pag-lift sa mask mandate sa Lalawigan.

Ito ay sa kabila ng ginawang babala ng DILG at DoH sa mga magiging implikasyon sakali mang hindi na i-require ang pagsusuot ng face masks sa Cebu.

Sa isang panayam, sinabi ni Garcia na nira-rationalize lang naman ng kanyang EO ang pagsusuot ng face masks lalo na’t isa lamang daw itong pasakit lalo na sa mainit na panahon.

Binatikos pa nito ang ilang mga opisyal na nagtatanggal din naman ng mga face masks sa tuwing mayroong mga photo opportunities.

Hindi na raw dapat magpaka-ipokrito dahil kahit nga raw ang Pangulo na nagsabing hindi tatanggalin ang mask mandate sa kanyang termino ay hindi rin naman nag-face mask sa mga aktibidad kahapon sa Araw ng Kalayaan.

Sinabi pa nitong walang legal na basehan ang bantang pag-aresto sa mga hindi nagsusuot ng face masks.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *