Bulkang Bulusan, muling nakapagtala ng mga volcanic earthquakes

Nakapagtatala pa rin ngayon ang PHIVOLCS ng mga volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan.

Sa pinakahuling monitoring ng tanggapan, sa nakalipas na bente-kuwatro oras ay naitala ang 106 na mga volcanic earthquakes.

Sa naturang bilang, 48 na mga pagyanig ay nagtagal ng 20 minuto.

Namonitor din ang 4,627 tonelada ng sulfur dioxide.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan.

Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi ni outgoing Sorsogon Gov. Chiz Escudero na posibleng makauwi na ngayong hapon ang nasa 337 na mga evacuees sa Juban, Sorsogon.

Aniya, inaasahang ngayong araw ay ma-decamp na ang mga evacuation centers.

Muli rin nitong pinayuhan ang kanyang mga kababayan na huwag mag-panic.

Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy pa rin ang paglilinis sa mga abong iniwan ng ashfall na dulot ng bagong phreatic eruption ng Bulkan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *