‘Cheap labor’ hindi raw dapat gawing pang-akit ng foreign investor – TUCP

“Huwag gawing sangkalan ang pasahod sa mga empleyado para makaakit ng mga foreign investor.”

Ito ang idiniin ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Policy Officer Carlo Oñate sa gitna ng pangamba ng ilang sektor na baka raw mauwi sa pag-backout ng investors sa bansa ang gagawing pagtaas ng sahod.

Sa panayam ng 105.1 Brigada NewsFM Manila, iginiit ni Oñate na walang maidudulot na maganda sa anumang aspeto ng ekonomiya ang cheap labor.

Dagdag pa ni Oñate, may ibang dahilan kung bakit mababa ang investor sa bansa at hindi maaring isisi sa kakarampot na pasahod sa mga empleyado.

Matatandaan, na inaprubahan ng Department of Labor ang P40 na wage hike na hindi naman sapat sa tinatawag na “Family living wage” ayon sa TUCP o yung halaga ng gastos sa isang araw ng traditional family. //AC, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *