Chief Medical Adviser ni US Pres. Biden na si Dr. Fauci bababa sa puwesto sa Disyembre

Nakatakdang bumaba sa puwesto ang director ng US National Institute of Allergy and Infectious Diseases at Chief Medical Adviser ni US President Joe Biden na si Dr. Anthony Fauci sa Disyembre.

Ito ay matapos ang mahigit 50-taon nito sa government service.

Nilinaw naman ni Fauci na hindi nangangahulugan ng kanyang pagbaba sa puwesto na magreretiro na siya dahil plano niyang pasukin ang susunod na “phase” ng kanyang karera habang mayroon pa siyang lakas at passion.

Kaugnay nito, sinabi ni Biden na tiwala siyang patuloy na pakikinabangan ng America at ng buong mundo ang expertice ni Fauci at sa larangan na patuloy nitong tatahakin.

Una nang inihayag ni Fauci na kasabay ng pagtatapos ng unang termino ni Biden pero mistulang mauuna itong bababa sa puwesto sa buwan ng Disyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *