Mga magsasaka sa India nagkilos protesta lban kay Prime Minister Modi

Binale-wala ng mga protesters ang barikada ng mga otoridad at nakapasok sa New Delhi kasabay ng panawagan ng kanilang protesta laban kay Prime Minister Narendra Modi dahil sa mga hindi natupad na pangako ng gobyerno lalo na sa kanilang mga magsasaka.

Ayon sa report, nasa 5-libong magsasaka ang nagtipon-tipon sa capital city para ihayag ang kanilang pagkadismaya kay Modi at sa gobyerno nito.

Hirit ng mga magsasaka na mabigyan sila ng gobyerno ng minimum support price para sa kanilang mga produkto at malinis ang pagkakautang ng mga magsasaka at iba pa.

Tumanggi munang magkomento ang tagapagsalita ng Federal Agriculture Ministry sa hirit ng mga magsasaka.

Una na kasing ipinangako ni Modi noong Nobyembre ng nakaraang taon na iro-roll back niya ang tatlong farm laws na naglalayong ma-deregulate ang mga produce markets na sinasabi ng mga magsasaka na nagbibigay daan para abusuhin sila ng ilang korporasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *