China, dumepensa sa peligrosong pagmaneobra sa Ayungin Shoal

Dumipensa naman ang China hingigl sa mga latest na aggression at mga aksyon nito sa West Philippine Sea na malinaw na paglabag sa soberanya ng ating mga teritoryo.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wengbin – ang tinatawag nila na ‘Ren’ai Reef’, ‘o kung tawagin natin ay Ayungin Shoal, ay bahagi ng iginigiit nilang ‘Nansha Islands.

Bahagi raw ito ng kanilang teritoryo at ang ginawang aksyon ng Chinese Coast Guard ay sang-ayon lamang sa kanilang batas.

Idiniin pa ni Wang na ang mga manebra ng China ay ‘professional’ at ‘restrained’.

Sinabi pa ng China na ang Philippine Coast Guard pa natin ang mismong nang-intrude sa Ayungin Shoal.

Nanindigan naman si Senadora Risa Hontiveros na dapat ay itigil na ng China ang kasinungalingan nito.

Sagot dito ni Hontiveros – dapat daw ay huminto na si Wang sa pangga-‘gaslight’ at propaganda.

Idiniin din ni Hontiveros na walang ‘Ren’ai’ at ‘Nansha’ dahil teritoryo ito ng Pilipinas.

Kung maaalala – ‘Ren’ai’ Reef ang tawag ng China sa Ayungin Shoal; habang ‘Nansha Islands’ naman ang tawag nila sa Spratlys.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *