China, nakahandang magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa

Nakahandang magbigay ng tulong ang China sa mga naapektuhan ng pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay wsa mga biktima ng pagbaha si Chinese Ambassador Huang Xilian.

Sinabi niya na ang China ay palaging nakikiisa sa Maynila bilang good neighbor, kamag-anak at katuwang lalo na sa panahon ng kalamidad.

Idinagdag pa ni Huang na dalangin nilang malagpasan ang kalungkutan, paghihirap at muling maitayo ang tahanan ng mga nasalanta ng kalamidad.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *