Mga kalalakihan sa India, nagprotesta sa gobyerno dahil sa kulang na bilang ng mga kababaihang single sa kanilang lugar

NAGPROTESTA ang mahigit 50 na kalalakihan sa Maharashtra, India dahil sa kakulangan ng mga single na babae sa kanilang lugar.

Bumuo ang nasabing grupo nang  mga binatang kalalakihan ng isang komitiba na tinawag nilang “Bridegroom Morcha”na  layuning makahanap ng mapapangasawa.

Sa kanilang isinagawang rally nito lamang miyerkules nagsuot sila ng kapansin-pansing traditional wedding attire sakay ng isang puting kabayo kasabay nang pagpapatugtog nila ng isang traditional wedding music.

Ayon sa isa sa mga binata na sumali sa rally, mahirap umano  makahanap ng asawa sa kanilang lugar dahil mas marami ang bilang ng lalaki kaysa sa babae sa Maharashtra kaya kahit na college graduate at may trabaho tulad nya ay hirap makahanap ng kapareha.

Base sa National Family Health Survey, ang Maharashtra ay mayroong lamang 920 na populasiyon ng mga kababaihan sa bawat 1,000 na lalaki sa lugar.

Sa ngayon, ang grupo ng “Bridegroom Morcha” ay naghihintay na lamang ng tugon sa petisiyong kanilang nilatag sa kanilang lokal na pamahalaan. ### CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *