Chinese, arestado matapos makumpiskahan ng mga baril at tactical gear

Arestado isang Chinese national matapos makumpiskahan ng mga baril at iba pang kontrabando sa pagpapatupad ng search warrant sa isang townhouse sa Brgy. Bambang, Taguig.

Ayon kay NCRPO Regional Director MGen. Jose Melencio Nartatez Jr., naaresto ng mga operatiba ng ng Regional Special Operations Group ng NCRPO ang suspek na si Aiqiang Su, 24 na taong gulang.

Nakuha sa kanya ang isang M4 Carbine rifle, mga magasin at bala, 2 granada, 4 na airgun; at sasakyan, kabilang ang isang McLaren sports car na nagkakahalaga ng 15 hanggang 30 milyong piso na may iligal na plaka.

Maliban sa mga baril, nakuha rin ang isang Chinese flag at tactical helmet na may China markings.

Kasabay ding isinailalim sa kustodiya ng mga otoridad ang dalawang pang Chinese national na kasama ng suspek sa townhouse para imbestigahan.

Kasunod nito, isang nagngangalang Jerry Mari Cheng ang nag-dala ng 3 milyong piso sa isa sa mga Chinese national na nasa kustodiya na si Zhuang Guangdong.

Agad ding inaresto ng mga pulis si Guangdong, matapos niyang tinanka na ipang-suhol sa mga pulis ang 3 milyong piso para sa kanilang kalayaan; habang nakatakas naman si Cheng.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *