Suplay ng kuryente sa Luzon Grid, nakikitang ninipis na naman ayon sa NGCP

Posibleng makanaras muli ng pagnipis sa suplay ng kuryente ngayong araw.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), maaaring magkaroon ng yellow Alert sa Luzon Grid, mamayang ala-2 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi.

Labing-walo umanong mga planta ang naka-forced outage, habang 3 planta naman ang may derated capacities.

Sa Visayas Grid naman, 13 mga power plants ang naka-forced outage, at 5 ang may derated capacities.

Paliwanag ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, ang Yellow Alert ay ang pagnipis ng reserba ng kuryente, pero hindi pa naman nakikita ang tuluyang pagkakaroon ng power interruption.

Mababatid na kahapon, naglabas ang MERALCO ng mga listahan ng lugar na maaapektuhan ng pagnipis sa suplay ng kuryente, at mga lugar na mawawalan ng suplay ng kuryente.

MERALCO – nanawagan sa publiko na magtipid ng kuryente

Tiniyak ng MERALCO ang kanilang kahandaan sa gitna ng mga nararanasang pagnipis ng supply ng kuryente.

Ayon kay MERALCO vice president and head of corporate communications Joe Zaldarriaga, sinisikap daw nilang maiwasan ang mga power interruption sa gitna ng mga pagsasailalim sa yellow at red alerts ng Luzon grid.

Aniya, handa raw sila sa demand side management, at sakali mang kulangin talaga ay kaagad silang naga-abiso sa posibleng power interruption.

Sa huli – inabisuhan ng MERALCO ang publiko na sanayin pa rin ang pagiging efficient sa paggamit ng kuryente.

Sabi ni Zaldarriaga, kung lahat ay magtutulung-tulong – ‘di raw mararanasan ang blackouts sa kabila ng mataas na demand ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *