Chinese Food Vlogger, umani ng batikos sa netizens, matapos magkatay ng Chinese Alligator

ISANG Chinese food vlogger na si Chu Niang Xiao He kamakailan ang nakatanggap ng pambabatikos sa mga netizens dahil sa pagkatay nito ng isang Chinese Alligator para lamang makalikom na mataas na views.

Ngunit, tila isa itong pagtaliwas sa limitasyon na kung saan, naalarma din ang karamihan lalo paโ€™t maituturing itong isang animal cruelty at kabilang din ang nasabing hayop sa Class 1 Endangered Species.

Umalma din ang mga netizens na dapat umanong iban ang naturang food vlogger sa Douyin; ang aplikasyon na kaniyang ginamit sa kaniyang bidyo.

Ngunit, imbis na humingi ng despensa ay ipinaglaban pa nito na ang buwaya ay binili niya mula sa isang alligator farm kung saan isa umanong โ€œartificially bredโ€ at ang papel nito nito sa buhay ay gawin lamang leather bag kaya wala rin umano itong pinagkaiba sa kanyang ginawang pagkatay.

Samantala, sa ngayon, tinanggal na ni Chu ang naturang bidyo at inaantay na lang din ang parusang kaniyang kahaharapin.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *