CHR, pinapurihan si SoJ Guevarra sa panawagang ihinto na ang red-tagging

Pinuri ng Commission on Human Rights ang ginawang pag-papaalala ni outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra sa pamahalaan na iwasan na ang red-tagging – o ‘yung pag-uugnay sa isang grupo o indibidwal sa mga makakaliwang rebelde.

Una na kasing sinabi ni Guevarra na walang magandang naidudulot ang pagle-label sa isang grupo na ito ay komunista lalo na kung wala namang basehan at ebidensya.

Pinaliwanag ng Justice Secretary na inilalagay lamang nito sa pahamak ang buhay ng isang tao na na-red-tag.

Ayon kay CHR Exec. Dir. Atty. Jacqueline de Guia, ang mga tanggapan ng gobyerno at public servants ang siyang dapat pumrotekta sa karapatan ng mga Pilipino.

Tila kumokontra raw kasi ang mandato na ito sa ginagawang pangre-red-tag sa mga tao dahilan para sila ay malagay sa peligro.

Kinikilala raw ng CHR ang naging pahayag ni Guevarra na siyang rumerespeto sa human rights at pagkakaroon ng tamang due process nang naaayon sa Konstitusyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *