One week growth rate ng covid-19 cases sa NCR, pumalo sa 71 percent

Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng covid-19 sa National Capital Region (NCR).

Base sa datos ng OCTA Research, naitala kahapon ang 282 new covid-19 cases sa Metro Manila, pinakamataas simula pa noong February 26, 2022.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, pumalo sa 176 mula sa 103 ang 7-day average ng covid-19 cases sa rehiyon.

Katumbas ito ng 71 percent na one-week growth rate at 1.24 na average daily attack rate o ADAR.

Tumaas rin ang reproduction number o bilis ng hawaan ng covid-19 sa 1.80 mula sa 1.40 noong June 7.

Bukod dito, unti-unti ring sumisirit pataas ang positivity rate sa NCR na naitala sa 3.7 percent.

Sa kabila ng pagtayang ito ng OCTA, iniulat din nila na nananatili naman sa low-risk classification ang hospital bed utilization at ICU utilization rate sa NCR.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *