Cinema industry, nalugi ng halos P21-B dahil sa COVID-19 pandemic

Nalugi ang cinema industry ng halos P21 billion simula nang magsara ang mga movie houses noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) president Charmaine Bauzon, na mahigit 300,000 industry workers ang nawalan ng kanilang trabaho.

Dagdag ni Bauzon, ang malaki bahagi na naapektuhan ay ang 150,000 na estimate na mga gumagawa ng pelikula, gaya ng mga artista, direktor, production crew at lalo na ang 136,000 na nagdi-distribute ng mga nagawang pelikula.

Nasa 43,000 rin sa mga suppliers at mga establisyemento na umaasa sa mga sinehan, kabilang na ang mga food establishments sa tabi ng mga sinehan.

Samantala, inihayag nito na bumuo na sila ng ilang proposed safety measures, sakaling payagan na muling magbukas ang mga sinehan sa bansa, kabilang na ang one-seat apart rule at no eating sa loob ng cinemas, maliban pa sa mga standard health protocol. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *