City Agriculture Office aminadong apektado ang buying power ng publiko kasunod ng mataas na presyo ng produktong petrolyo

Aminado ang Olongapo City Agriculture Office na apektado na ang buying power ng mamamayan.

Ito ay dahil mas konti umano ang namimili ngayon sa Kadiwa ni Ani at Kita na matatagpuan sa Rizal Triangle.

Kasunod ito sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon kay City Agriculture OIC Francis Ela Maniago, kung ikukumpara sa nakalipas na dalawang magkasunod na Kadiwa ay makikitang malaki ang deprensya sa bilang ng mga mamimili.

Samantala, bukas ay huling araw na ng aktibidad sa Olongapo at plano ng opisina agahan pa ang pagbubukas nito.

Ang Kadiwa ni Ani at Kita ay programa ng DA katuwang ang mga local agriculture office kung saan makakabili ang publiko ng mga mas murang produkto.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'INSOMNIA POSIBLENG MAUWI SA HEART PROBLEMS AT STROKE? 2:21 GARLIC Ang Allicin na isa sa mga chemical compounds ng bawang ay nakitaang may kakayanan na makapagpaparelax na siyang kailangan sa masarap na tulog. Power Cells ang Sakit! Tuldukan CAPSULE ww.aa www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *