City Government ng Koronadal, bibili ng lupa; land owners hinihikayat na magbenta para sa gagawing resettlement area

KORONADAL CITY – HINIHIKAYAT ngayon ng City Government ng Koronadal ang lahat na mga Land Owners na interesado magbenta ng kanilang mga lupa, makipag-ugnayan lamang sa City Local Housing Board Secretariat at sa City Legal Office na makikita sa 3rd Floor ng New City Hall Building.

Layunin nito na makabili ang lungsod ng lupa para sa pinaplanong pagtatayo ng resettlement area. Target nito na mabigyan ng mabuting bahay ang mga pamilya na kadalasang apektado ng natural calamities gaya ng mudslides, flashfloods, landslides at maraming iba pa.

Ayon sa impormasyon, na hanggang Enero 31, 2024 na lamang maaaring magsumite ng proposal ang mga gustong magbenta ng kanilang mga lupa. Ilan sa mga requirements na dapat ihanda ay ang Land title na nasa mga barangay ng San Isidro, Assumption, Santa Cruz, Mambucal at Saravia; Latest tax declaration; Latest tax clearance; Sketch plan with visinity map; Approved subdivision plan; Certification mula sa DENR; Offer to sell ng lupa; kompleto na address at contact number.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *