LPP, kinondena ang pagpapasabog sa Marawi City

KINONDENA ng League of Provinces of the Philippines (LPP) sa pamumuno ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang nangyaring pagpapasabog sa loob mismo ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City habang ginagawa ang isang Catholic Mass, Linggo ng umaga na ikinasawi ng apat na katao.

Ayon kay Tamayo, walang puwang sa isang democratic at civilized society ang naturang pagpapasabog. Nananawagan din ito sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang mapanagot ang mga taong nasa likod nito. Umapela din ang gobernador sa mga mamamayan ng Marawi na huwag gumanti, sa halip ay makipagtulungan sa mga otoridad para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *