City Government ng Naga naghahanda na sa pagdating ng karagdagang COVID-19 vaccines

NAGA CITY – Ngayon pa lang ay abala na ang City Government ng Naga sa paghahanda sa pagpapatuloy ng mass vaccination program.

Inaasahang darating ang dagdag na bakuna sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

Napag-aalaman ng Brigada News FM Naga sa pamamagitan ng City Events Protocol and Public Information Office o CEPPIO , plano ng LGU na magdagdag ng medical personnel. Ayon kay  Naga City Mayor Nelson Legacion, magdaragdag din sila ng venue.

Tinitingnan nilang puwedeng maging venue ay ang mga barangay hall o mga school building sa upper barangays para hindi na magsadya mega vaccination facility na Jesse M. Robredo Coliseum.

May ilang malalaking univerisidad sa lungsod ang nag volunteer na rin na ipagamit ang kanilang espasyo,  kabilang pa ang mga malls at maging simbahang katolika para maging venue na ng pagbabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *