Kaso ng Covid-19 sa South Cotabato tumaas ng higit sa 100%

KORONADAL CITY — PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease o Covid-19 sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ang kinumperma sa Brigada News FM Koronadal ni Dr. Rogelio Aturdido Jr., provincial health officer ng South Cotabato.

Ayon sa opisyal pataas na pataas ang bilang ng Covid-19 sa lalawigan ngayong taon.

Mula Enero hanggang Marso, nakapagtala umano ang probinsiya ng 628 na kaso, ngunit noong Abril sa loob lamang ng isang buwan, umabot ito ng 680 habang tumaas pa sa 740 ang kabuuang kaso ngayong buwan ng Mayo.

Dahil sa nabanggit na bilang, nakapagtala umano ang lalalawigan ng mahigit sa 100% na pagtaas ng Covid-19 cases.
Paliwanag ng opisyal na sa 100 isinasailalim sa Covid-19 test, nasa 22 ang lumalabas na positibo.

Sa ngayon, nasa 591 naman ang bilang ng mga Covid-19 positive na nasa iba’t-ibang isolation facilities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *