City Government ng Olongapo, planong regular na magbukas ng night market

Plano ng City Government ng Olongapo na gawing regular ang pagbubukas ng night market sa lungsod.

Ito ay para lalong mapalakas ang kampanya sa panghihikayat ng mga turista at investor sa lungsod na inaasahang magpaparami ng trabaho ng mga mamamayan at kita ng siyudad.

Ayon kay Mayor Lenj Paulino,pinag-iisipan ngayon ng City Government na maglunsad ng mga bagong atraksyon kasunod ng kauna-unahang banchetto o night market sa loob ng Subic Bay Freeport sa susunod na linggo.

Aminado naman si Paulino na kahit maraming mai-ooffer ang Olongapo sa mga bisita ay di hamak na lamang sa ganitong aspeto ang mga ibang mga lugar sa bansa na kilala sa larangan ng tourism promotion.// Christian Andres-Bnfm Olongapo

May be an image of text that says '100Capsules 500mg Capsules CuraMed HERBALCASULE HERBAL CAPSULE ALLIUM SATIVUM LUS SUPPLEMENT CAPSULE HERBAL NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS 00000 now! CuraMed Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *