City Mayor Ogena, target na mapunan ang swine repopulation

KORONADAL CITY – TARGET ni City Mayor Eliordo Ogena na malagyan ang lahat ng mga rural barangays sa lungsod ng Koronadal ng mga biik bahagi ng swine repopulation.

Kasabay ito sa isinagawang sentineling program ng City Veterinary Office ng lungsod. Layunin nito na matulungan na makabangon ang industriya ng hog sectors sa Koronadal. Ayon kay Ogena, simula pa lamang ito para sa mga nag-aalaga ng baboy dahil mayroong pa umanong darating na mga kanding, pato, manok at iba pa na pa na ibabahagi parin sa mga benepisyaryo.

Umaasa naman si Ogena na bibigyan ito ng importansya ng mga benepisyaryo at mas lalawak upang maibalik ang lakas ng sektor. Maliban sa biik, una ng ipinamahagi ang mga feeds sa iba’t ibang mga hog raisers noong nakaraang linggo. Samantala, namahagi rin ang City Veterinary Office ng gamot upang maiwasan ang pagsakit ng tiyan at stress ng baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *