Civilian mission sa WPS, tuloy sa kabila ng mga banta at pag-atake ng China sa barko ng Pilipinas

Nanindigan ang Atin Ito! Coalition na tuloy pa rin ang isasagawang civilian mission sa West Philippine Sea sa kabila ng kamakailang water cannon attack ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas.

Ayon kay Atin Ito! co-convenor at Akbayan Party president Rafaela David, hindi nagpapatinag ang kanilang grupo sa panibagong agresibong aksiyon at pangha-harass ng China.

Inihalintulad din nito ang kanilang grupo na parang halamang dinidiligan ng tubig lalo lamang namumulaklak ang kanilang pagkakaisa para ipaglaban ang WPS.

Layunin ng ikalawang civilian mission na magsagawa ng peace and solidarity regatta at maglagay ng markers o mga biya sa Panatag shoal.

Sinabi ng Philippine Navy na handa silang umalalay at tumulong sa civilian mission sa pag-monitor sa kanilang kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *