‘Oratio Imperata’ para sa ulan sa gitna ng mainit na panahon, inilunsad ng CBCP

Inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ (CBCP) Episcopal Commission on Liturgy ang isang espesyal na panalangin para sa pag-ulan sa gitna ng matinding init na panahon na nararanasan sa bansa.

Ang eksaktong tranlation ng latinong salita na “Oratio Imperata Ad Petendam Pluvia” ay “Obligatoryong Panalangin para Humiling ng Ulan.”

Kasunod nito, naglabas na rin ang Archdiocese of Manila ng sirkular sa lahat ng mga parish priests, rektor, chaplain, at komunidad hinggil sa Oratio Imperata, na isang panawagang panalangin na naghahangad ng interbensyon sa panahon ng matinding pangangailangan o kalamidad.

Kaugnay nito, naglabas na din ang CBCP ng “Oratio Imperata” noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *