Class suspension sa buong Albay dahil sa mga pag-ulan, lifted na

LEGAZPI CITY – Ipinagpapatuloy na ngayong araw ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong mga paaralan sa lalawigan ng Albay matapos pirmahan ni Gov. Noel Rosal ang abiso mula sa PDRRMC tungkol sa pagli-lift ng suspensiyon nito noong Sabado, Nobyembre 19, bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Sa nabanggit na abiso na epektibo sa ganap na alas-5 ng hapon sa kaparehong araw, nakasaad na ipagpapatuloy na ang pasok dahil sa pagbuti ng panahon sa buong lalawigan.

Sa kabila nito’y, ang lahat ng C/MDRRMOs ay inaabisuhang panatilihin ang pagbabantay at pagiging alerto sa sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.

Dagdag pa nito, inaabisuhan din silang magpatupad ng mga hakbang na kinakailangan upang maiwasan ang anumang hindi inaashang pangyayari.

Matatandaang nitong nagdaang linggo ay makailang ulit na sinuspinde ng kaparehong tanggapan ang pasok sa lalawigan dulot ng sama ng panahong nararanasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *