CNPH hindi dapat ma- subsidize dahil mayroon naman itong sariling income- Governor

CAMARINES NORTE- Naniniwala si Governor Ricarte “ Dong” Padilla na hindi dapat ma- subsidize ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) dahil mayroon naman itong sariling income.

Ipinagtataka ni Padilla kung bakit sinasabing malakas gumastos at walang income ang CNPH gayung kung titingnan aniya ay kumikita naman talaga ito.

Sa katunayan ay mayroon umanong pumasok ngayong Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) na nagkakahalaga ng P250 million galing sa Ako Bicol Party list.

Bukod dito mayroon pa umanong nanggagaling sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philhealth at Malasakit Center.

Kaugnay nito ay nakiusap at umapela ang Gobernador  sa pamunuan ng CNPH na magtulong- tulong para mapabilis ang liquidation ng MAIP.

Ito umano ay upang magkaroon ng income sa CNPH.

Nangako rin ang Gobernador na iko- computerize ang CNPH para hindi na mahirapan sa manual na paglilista at mapabilis ang pag- discharge ng pasyente.

Sinabi ito ng opisyal sa kaniyang pananalita sa harap ng mga kawani ng ospital sa ginawang flag ceremony Lunes ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *