Comelec handang handa na sa muling pagbubukas ng voter registration simula sa Lunes

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Commission on Elections na handang- handa na ito para sa muling pagbubukas ng Voters Registration simula sa Lunes, Disyembre 12 na tatagal hanggang Enero 31, 2023

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Election Officer III Annelyn Abanes, ng Comelec Speaker’s Bureau sa probinsiya, sinabi nito na mayroon na silang mga naka- post na announcement at nagpadala na rin ng sulat at kopya ng Comelec Resolution sa mga stakeholders.

Handa na rin umano ang mga gagamiting forms para sa registration.

Ang mga tatanggaping application sa panahon ng voters registration ay Registration, transfer, change/corrections of entries, reactivation, inclusion at reinstatement of name in the list of voters, and transfer of registration records from post to local.

Gayundin ang updating of records of Persons with Disabilities, Senior Citizens and members of Indigenous Peoples and other members of vulnerable sectors.

Kaugnay nito ay hinimok ni Abanes ang mga hindi pa nakapagparehistro na magtungo sa tanggapan ng Comelec sa loob ng nabanggit na panahon.

Bukas ang tanggapan ng Comelec mula Lunes hanggang Sabado, alas alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon gayundin kapag araw ng holiday maliban sa December 24 at 31.

Ang mga magpaparehistro ay pinapaalalahanang magdala ng valid ID o anumang kaukukang patunay ng pagkakakilanlan at sariling ballpen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *