Comelec pinadali ang pag- fill up ng form para sa mga magpaparehistro sa Barangay at SK Elections

CAMARINES NORTE- Pinadali ng Commission on Elections ang pag fill- up ng form para sa mga magpaparehistro sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections simula sa Lunes.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau na isang form na lang ngayon ang kailangang i- fill up ng magpaparehistro.

Dati ay tatlong form ang kailangang i- fill- up, isang kopya para sa Election Officer, isa sa Provincial Election Office at isa rin sa Central Office.

Sa bayan ng Basud ay nakahanda na umano ang mga gagamiting form  at pwede ring mag reproduce kung kailangan.

Magsasagawa pa rin daw ng satellite registration ang Comelec sa mga barangay kung kinakailangan.

Sa ngayon ay mayroon nang isang Barangay sa Basud ang nag request sa Comelec para magsagawa ng satellite registration.

Ani Abanes na- saturate na nila ang mga barangay sa naturang bayan noong nakaraang voters registration.

Gayunman nakahanda pa rin umano silang gawin ito kung may mga natira pa at mayroong request ang barangay.

Ito ay upang hindi na kailangang pumunta pa sa Comelec Office ang mga residente at kakailanganin pang gumastos sa pamasahe at pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *