Comelec, inihayag na may 3 presidential at 2 VP candidates ang hindi nag-file ng SOCE

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na may 3 kandidato sa pagka-pangulo at 2 sa pagka-pangalawang pangulo ang hindi nakapag-file ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Kabilang sa mga presidential candidates ay sina former presidential spokesperson Ernesto Abella, former defense chief Norberto Gonzales at businessman na si Faisal Mangondato.

Sa vice-presidential candidates naman ay kabilang sina pro-life advocate Rizalito David at ekonomistang si Manny Lopez.

Samantala, nauna ng inanunsyo ng Comelec na walang extension sa filing maliban sa mga nanalong mga kandidato. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *