Comelec, magpapatupad ng bagong vote transmission measures sa 2022 polls

Magpapatupad ang Commission on Elections (Comelec) ng dalawang bagong vote transmission measures para matiyak ang transparency sa 2022 national at local elections.

Sa kanilang unang media conference para sa nalalapit na halalan, sinabi ni Comelec commissioner Marlon Casquejo na ito ang unang pagkakataon na gagamit ang mga miyembro ng electoral board ng digital signature sa proseso ng vote transmission, para isulong ang mas transparent na halalan sa susunod na taon.

Paliwanag pa ni Casquejo, ito ay para matiyak na ang mga election returns na ita-transmit sa Vote Counting Machines mula sa voting center, ay mapupunta sa canvassing center.

Ayon sa opisyal, maisusulong na nila ang pag-gamit ng digital signatures dahil ang Department of Information and Communications Technology ay may resources na para ngayong automation, matapos na hindi natuloy noong 2016 at 2019 polls.

Maliban dito, sinabi ni Casquejo na napagdesisyunan ng poll body na agad magbigay ng receipts matapos ipasok ng mga botante ang kanilang mga balota sa VCMs. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *