COMELEC Naga dinaragsa na ng mga nagpapa rehistrong first-time voters

NAGA CITY – Tulad ng dapat na asahan, dumaragsa sa Commission on Elections sa Naga City, ang mga nagpapa rehistro para makalahok sa mangyayaring 2022 National and Local elections.

Mayoriyang makikita nasa pila ay mga kabataan na galing sa iba’t-ibang barangay ng lungsod. Karamihan sa mga ito ay mga first-time voters.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Atty. Maico Julia Jr., COMELEC officer ng lungsod bilang pagbibigay ng karagdagang detalyes sa nangyayaring voter’s registration.

Anya’y katulong nila ang mga barangay opisyal sa paghikayat sa mga kabatang ito na magparehistro na siya na namang ikinatuwa nila sa komisyon.

Nag request na rin sila ng ilang personahe ng Public Safety Office para makatulong din nila sa pagpaalala na huwag magsiksikan sa pila at sundin ang tamang standard health protocol para iwas-virus.

Umaabot na ng mahigit 100 ang naitatala nilang bagong botante at ang bilang na ito ay tuloy-tuloy pang aakyat hanggang sa makarating sa deadline sa September 30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *