Venus Raj, muling pumunta sa Catanduanes at pinangunahan ang virtual talk para sa mga mag-aaral ng CatSU

Catanduanes— Muling pumunta si Ms. Universe 2010, 4th Runner Venus Raj sa islang lalawigan ng Catanduanes matapos siyang imbitahan ng Catanduanes State University upang pangunahan ang “virtual talk”  at magbigay ng inspirational talk, kaugnay ng pagbubukas ng bagong academic year sa naturang paaralan.

Sa nasabing aktibidad, sumentro ang kanyang paksa sa pagtatalakay ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ngayong nagpapatuloy ang pandemya.

Ayon kay Venus, sakabila ng lahat ng mga balakid na nararanasan ngayon ng mga mag-aaral, dapat aniyang manatili ang pag-asa sa puso ng bawat isa.

Ang pag-asa aniyang ito ay hindi pera, kapangyarihan at iba pang mga temporaryong bagay kundi ang pag-asang makukuha mula sa Panginoon.

Matatandaan na una nang nagtungo ang beauty queen at church volunteer sa islang lalawigan nitong nakaraang taon matapos na salantain ng kalamidad ang Catanduanes.

Bukod kay Venus, kasama rin niya ang iba pang miyembro ng Christ Commission Fellowship sa Catanduanes upang magsagawa ng community service.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *