Comelec, nilinaw ang pag-diskwalipika sa Smartmatic bilang service provider

Nilinaw ng Commission on Elections ang desisyon sa pagdiskwalipika sa kumpanyang Smartmatic bilang service provider.

Base sa na unang lumabas na resolusyon ng Comelec na bunyag na nagtatag ng foreign shell company si former Comelec chairman Andres Bautista na siyang pinaglagakan ng mga perang sinuhol umano sa kanya ng Smartmatic para sila ang piliing magsupply muli ng vote counting machine noong 2016 elections.

Bagamat hindi pa napapatunayan iginiit ng Comelec na malaking dakong sa integridad ng halalan ang isyu kay Bautista at sa Smartmatic .

Ang kumpanyang Smartmatic ang kauna-unahang nadiskwapikang service provider mula ng magkarooon ng automated elections sa bansa.

Dismayado ang Smartmatic sa anilay surprise disqualification ng ahensya.

Depensa nila hindi sila kailanman sinabihan ng mga masasamang alegasyon sa smartmatic ang US case laban kay Bautista at hindi rin sila nabigyan ng pagkakataon na sagutin ito.

Sa kabila ng mga isyu tuloy pa rin ang bidding sa December 12 para sa susunod na service provider sa eleksyob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *