COMELEC, nilinaw na naaayon sa batas ang substitution ni Rowena Guazon sa P3PWD party-list

Nilinaw ng Commission on Elections na naaayon pa rin naman sa batas ang ginawang pag-substitute ni dating commissioner Rowena Guanzaon bilang nominee ng P3PWD party-list.

Ito ay sa gitna ng mga batikos na inani ng poll body dahil sa late substitution ng dating komisyuner.

Kabilang na rito ang pahayag ng poll watchdog na Kontra Daya kung saan ay sinabi nilang ‘improper’ ang ginawang pag-withdraw ng limang nominees ng party-list at late na paghahain ng subsitution ni Guanzon.

Ayon kay COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, nasa malaya naman daw tayong bansa kaya naman kahit sino ay maaaring umalis bilang isang nominee ng isang party-list.

Hindi raw kasi nila mapipilit ang isang indibidwal na manatiling nominee nito dahil wala silang kapangyarihang pigilan ang isang kandidato.

Bukas rin aniya sila sa mga maghahain ng reklamo ngunit aminado si Laudiangco na maaaring kailangan na ngang amyendahan ang party-list system.

Sa ngayon – hangga’t may batas ay tali pa rin ang kamay nila rito.

Una nang nagbabala si National Youth Commission chairperson Ronald Cardema na maghahain ito ng kaso laban sa mga nominees ng P3PWD party-list na umatras sa kandidatura.

Matatandaang si Cardema ay na-disqualify noong 2019 bilang nominee ng Duterte Youth parthy-list dahil overaged na ito – taliwas sa youth sector na nirerepresenta ng grupo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *