PCOO, dumipensa sa P206Million discrepancy sa Philippine Information Agency

Dumipensa ngayon ang Presidential Communications Operations Office sa ulat ng Commission on Audit hinggil sa discrepancy ng Philippine Information Agency na nagkakahalaga ng highit sa P206Million.

Sa isang panayam, sinabi ni Communications Undersecretary Kris Ablan na ang flagged amount ng COA ay hindi naman nangangahulugang ninakaw na o kinurakot na ng mga personnel ng PIA.

Paliwanag nito, ang mga lumabas sa annual audit ay mga unaccounted na office supplies.

Maari raw kasing noong nag-audit ang COA ay nasa field ang kanilang mga personnel at mga reporters kaya dala-dala talaga nila ang kanilang mga laptops, cellphones, at iba pang mga gadgets at supplies.

Sa ngayon aniya, mayroon nang inilabas na rekumendasyon ang COA at handa namang tumalima ang PIA dito para makapagpaliwanag nang maayos.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *