Comelec Offices sa So.Cot handa na sa filing ng COC

KORONADAL CITY- HANDA na ang provincial, city at mga municipal Commission on Elections (Comelec) offices sa lalawigan ng South Cotabato para sa filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa May 9, 2022 national and local elections.

Inihayag ni provincial election supervisor Atty. Jay Gerada na magsisimula ang filing ng COC sa October 1 hanggang October 8, kung saan bukas aniya ang mga Comelec Offices kahit na Sabado at Linggo, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Gerada ang mga may planong tumakbo sa darating na halalan na ihanda na ang kanilang mga COC at mga kakailanganing dokumento para sa filing.

Ang mga tatakbo sa pagka-kongresista, governor, vice governor at board members ay kailangang magfile sa Office of the Provincial Election Supervisor habang sa city o mga municipal Comelec offices naman ang mga tatakbo sa pagka-alkalde, bise-alkalde at konsehal.

Binigyang diin ni Gerada na ang otorisadong form lamang mula sa Comelec ang kanilang tatanggapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *