Drug cleared barangays sa R-12, nasa 968 na!

KORONADAL CITY-UMAABOT na sa 968 na mga barangay sa Rehiyon-12 ang drug cleared ngayon buwan.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-12 Regional Director Naravy Duquiatan.

Sa isinagawang press briefing, inihayag ni Duquiatan, na nasa 14.42% parin ang nanatiling drug affected barangays sa Rehiyon.

Ngunit pinasiguro naman ni Duquiatan, na ang natitirang 167 na mga barangay ay magiging drug cleared na rin.

Nabatid, na ito ang isa sa mga programa ng gobyerno upang unti-unti ng mawala ang droga sa bansa.

Base sa datos, mahigit libo na ang bilang ng mga barangay sa Pilipinas ang ideneklarang drug cleared.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *