Comelec: Overseas ballot photo na walang pangalan ni Robredo, edited

Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na ang larawan ng overseas ballot na hindi naglalaman ng pangalan ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo at edited.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Office for Overseas Voting (OFOV) na ang photo na nagpapakita sa official ballot na natanggap ng overseas voter sa New Zealand ay enedit para palabasing nawawala ang pangalan ni Robredo mula sa listahan ng presidential candidates.

Ayon sa poll body, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs at sa Philippine Embassy sa New Zealand, para matukoy ang mga taong responsable para sa pag-edit ng larawan at sa pagpapakalat nito sa social media.

Una nito, sinabi narin ni Comelec Commissioner George Garcia na ang viral photo ay “fake news.”

Paliwanag ni Garcia, iisa lang ang ginagamit ng New Zealand na template para sa kanilang 2022 elections ballots at ito umano ay serialized. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *